FAO tukod sa agrikultura

By

Tutulong ang tanggapan ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nation (UN) na pala­kasin ang sektor ng pagsasaka sa bansa partikular sa Mindanao Region.

Tiniyak ni Jose Luis Fernandez, kinatawan ng organisasyon, na ito ay naglalayong matigil na ang paninilbihan sa ibang bansa bilang desperadong hakbang ng mga mahihirap lalo na sa Mindanao upang makaahon.

Tinukoy pa ni Fernandez ang ulat ng International Organization for Migration ang Maguindanao na isa sa sampung pangunahing lalawigan na pinagmumulan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Middle East at Malaysia.

Kasabay ng pagdiriwang ng World Food Day, hinihikayat ng opisyal ang lahat ng sektor ng lipunan na magtulungan sa paggawa ng mas maraming oportunidad para sa mga mahihirap. Isa na dito ang paglikha ng mas maraming trabaho para makakuha ng pagkakakitaan sa bansa at hindi na kailangan pang mangibang bayan. 

SHARE