Una sa Balita

Fan pinuyat ni Wesley

0 355

Napuyat sa kapapanood ang isang fan sa live stream ng laban ni super Grandmaster Wesley So kontra GM Jan-Krzysztof ng Russia sa 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands.

Nauwi sa draw ang laban matapos ang 34 moves ng Queen’s Gambit sa round 6 at nanatili sa tuktok si 25-year-old So na tangan ang apat na puntos.

“Okay lang kahit puyat basta masaya ako kasi leading pa rin si idol (So),” saad ni Angel Toledo, panatiko ni So na nanonood palagi sa website ng chess.

Kasalo ni Imus, Cavite native So sa tuktok si GM Alireza Fi­rouzja ng Iran na tabla rin ang laro kay GM Yu Yangyi ng China.

Makakalaban ni So sa round seven si Russian GM Vladislav Artemiev na nakasiksik sa sixth place.

Samantala, patuloy na hinahanap ni reigning­ World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway ang panalo, naitala nito ang pang-anim na sunod na draw matapos makipaghatian ng puntos kay GM Fabiano Caruan ng USA.

Ang nasabing event ay may 14-player single round robin format. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More