Una sa Balita

Fan ni Wesley nang-alaska

0 278

ASAR-TALO ang kritiko ni super Grandmaster Wesley So matapos malusutan ang atake ni GM Vladislav Kovalev ng Belarus at makapuwersa ng draw sa round five ng 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands, kahapon.

Isang panatiko ni 25-year-old So ang nakipag-asaran at napikon nito ang tagahanga ni Kovalev sa chat sa live streaming ng laban.

Tangan ni Imus, Ca­vite native So ang itim na piyesa, lamang si Kovalev sa puwesto at may tsansang itakas ang panalo pero nagawang ma-equal game ng Pinoy woodpusher star ang laban.

“Cheezymate: The advantage of white is gone. Black has the initiative now,” pang-asar ng fanatiko ni So.

Nanatili sa top spot si So, matapos ang 21 moves ng Ruy Lopez draw game laban kay Kovalev, tangan nito ang 3.5 puntos.

Pero nasaluhan si So sa una­han ni GM Alireza Firouzja ng Iran na kinalos si GM Anish Giri ng host country.

Makakalaban ni So sa round six si GM Jan-Krzysztof Dubov ng Russia.

Magkasalo ang tatlong GM sa third place, ito’y sina Fabiano Caruana ng USA, Jorden Van Foreest ng Netherlands at Vladislav Artemiev ng Russia na may tigatlong puntos sa event na may 14-player single round robin. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More