Una sa Balita

Fan ni Ganzon humugot

0 372

MATAPOS mabasa ng mga panatiko ni Rommel Ganzon ang istorya ng chess na lumabas kahapon sa Abante ay nagdiwang ang mga ito lalo na’t nasilo ng kanilang idolo ang korona sa katatapos na 2020 Tagbilaran City Saulog Chess Festival Open Division sa Bohol.

Nakuntento sa draw si Ganzon laban kay NM Elmer Sumngat sa ninth at final round upang ilista ang 7.5 points at kalawitin ang inaasam na titulo.

Pagkatapos ng laban at nalaman ng mga panatiko ni Ganzon na siya ang kampeon ay kanya-kanyang hugot ang mga ito.

“Hindi alam ni idol (Ganzon) na siya ang pinapanood namin dito sa Bohol, kursunada kasi namin ‘yung laro niya pang-master ang tira,” masayang hayag ni Jobelle Lopez na isa ring mahilig maglaro ng chess.

Magkasalo sa second hanggang fourth place sina Arseny Savelenko, NMs Sumngat at Edsel Montoya na may tig-pitong puntos.

Ginapi ni Savelenko ang top seed na si NM Merbin Roque sa huling laban sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More