Una sa Balita

#FamilyIsForever ng ABS-CBN nakakakilabot

0 490

Inabangan ng mga Pilipino ang Christmas Station ID ng ABS-CBN na ipinalabas nitong Lunes nang gabi. At ayon sa karamihan ng mga reaksyon ng mga fan ay kinilabutan agad sila sa bungad pa lang ng music video nito.

Umariba agad sa Top 2 ng trending sa Twitter ang #FamilyIsForever na siyang tema ng CSID ng ABS-CBN. Unang pinatugtog ang isa sa pinaka-nagmarkang kanta nila noong 2009 na “Star Ng Pasko”, kumpleto ang mga love team na kanilang inaabangan kaya naman mas lalong enjoy ang mga fan panoorin ang music video.

Bukod pa sa mga love team at artista, kumpleto ring pinatugtog sa station ID ngayon ang mga station ID simula 2009 hanggang sa kasalukuyan, kaya naman damang-dama at nakakasabay talaga ang mga manonood. Iba’t ibang alaala ang binalikan nga raw ng mga fan nang mapakinggan at mapanuod nila ang Christmas Station ID for this year.

10 taon na rin ang nakalipas nang tumatak sa puso ng mga Pilipino ang “Star Ng Pasko” kaya naman nang mabalikan ulit ngayon bilang bahagi ng Christmas ID ay talagang hindi napigilan ng mga fan na maging sentimental sa pag-awit nito.

Dahil sa good vibes na dala rin ng kanilang music video, maraming fan ang labis na pinasalamatan ang istasyon dahil tila kinompleto rin ang kanilang Pasko sa pagbalik ng kanilang mga alaala sa pamamagitan ng kanilang mixed o mashed up Christmas song. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy