Una sa Balita

Family Run winalis ng Kenyans

By
0 9

Itinakbo ng Kenyans ang 1-2-3 sweep sa men’s division, taga-Sultan Kudarat ang sumakop sa women’s side ng Times Square Family Run sa Brgy. Talamban, Cebu City nitong weekend.

Walang kahirap-hirap na panalo sa centerpiece 10-kilometer road race ang naitala ng mga dayuhang sina Eric Chipsiror (31:33), Joseph Mururi (33:44) at James Mibei (36:11).

Sumapat naman ang 44:04 clocking ni Ruffa Sorongon sa panalo sa kababaihan, kasunod sina Michelle Beboso (44:08:06) at Christy Tu (51:10).

Sa side event na 5k boys, uno-dos sina Joseph Ariel at Harold Kim Guiao sa pagsilat kay Kenyan Douglas Mwiti. Sa girl’s ay sina Cherry Andrin, Charisse Incarnacion at Mary Joy Castor ang top three winners.

Tumanggap din ng prizes ang 3k champs na sina Rolly Cotmaya at Mary Joy Loberames.