Una sa Balita

Family outing nauwi sa trahedya: 5 todas, 14 sugatan sa Batangas

By
0 501

NAUWI sa trahedya ang outing ng magkakapamil­ya mula sa Laguna nang ang kanilang sinasakyang jeep patungo sa beach resort sa Lobo, Batangas ay bumulusok sa matarik na spillway sa bayan ng Ibaan kamakalawa nang umaga.

Agad nasawi ang da­lawa katao kabilang ang nagmamaneho habang tatlo pa ang nalagutan ng hininga habang ginagamot sa ospital sa Batangas City.

Labing-apat pang sakay ng jeep ang su­gatan ding isinugod sa iba’t ibang pagamutan.

Kinilala ng Ibaan police ang mga biktima na sina Wilfredo Macabudbud, 59-anyos, na siyang nagmamaneho ng jeep; Nelia Braza; Bernadette Cule; Phi­lip Cule at Monica Paragas na pawang residente ng Calamba City, Laguna.

Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng jeep ang Ibaan – Lobo road dakong alas-11:30 nang umaga, subalit pagsapit nito sa kurbada at matarik na spillway sa Barangay Balanga ay hindi nakontrol ng nagmamaneho ang sasakyan.

Mabilis itong bumulusok pababa at bumangga sa mga concrete barrier sa gilid ng kurbadang highway.

Lumabas sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng sasakyan nang mabulaga ang driver sa matarik at kurbadang bahagi ng highway dahil hindi ito pamilyar sa daan na shortcut patungong bayan ng Lobo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy