Families are like cooked eggs
Dra. Margarita Holmes
Dear Dra. Holmes: (shortened September 25 letter)
My son broke up with his live in gf of 10 years. Our family love her so it felt like a divorce. She monitored my health during critical times of my illness, and we send each other FB messages, like each other’s posts.
My daughter says she herself wouldn’t like me to continue being friendly with her ex-boyfriend and I should consider my son’s feelings.
If they were married and?they?had?a separation, I would still be friends with her so what’s different? My son dates etc but doesn’t talk about his relationship. Help!
Dee
Dear Dee:
Maraming salamat sa iyong sulat na una na nating nailathala ng buo noong Setyembre 23. Sa huling kolum ko noong Miyerkoles Setyembre 25, sinabi ko na kung gusto mong tanungin sa anak mo ang feeling niya tungkol sa pagiging kaibigan mo sa ex niya at damdamin niya tungkol sa inyong relasyon sa kanyang ex ay okay lang din iyon.
Related Posts
Pero hindi ibig sabihin na susundin mo ang gusto niya. Gusto mo lang pakinggan ang kanyang saloobin patungkol sa iyong pangamba upang makatulong sa iyong desisyon. Kung gusto mong manatiling kaibigan ang ex ng iyong anak ay ipagpatuloy mo lamang.
Ayon sa Department of Psychology sa Ateneo mayroong tatlong klase ng pamilya. Ito ay maisasalarawan sa tatlong paraan ng pagluluto ng itlog. Sabi ni Fr. Jaime Bulatao ang pinakamalusog na pamilya ay ang pamilyang fried egg, at hindi ang pamilyang hard boiled egg, hindi rin ang pamilyang scrambled egg.
Mayroon dahilan kung bakiit ang pinakamalusog na pamilya ay fried at iyan ang tatalakayin natin sa Miyerkoles. Huling pagtalakay sa Miyerkoles.
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook:http://www.facebook.com/drmargieholmes.