Una sa Balita

#Fambam Mag-iinang Falcis kinuyog si Kris

By
0 794

Matapos maglabas ng sama ng loob ni Charlene ­Falcis, ka­patid na babae nina Nicko at Atty. Jesus, to the rescue naman ang ina nilang si Dra. Carol sa pagtatanggol sa mga anak laban kay Kris Aquino.

Gamit ang Instagram account ng anak na si Nicko, naglitanya si Dra. Carol ng sama ng loob sa pinagdadaanan ng pamilya lalo’t higit sa isyung kinakaharap ng mga anak sa laban kay Kris. Bilang ina, higit umano itong nasasaktan para sa mga anak.

Panimula nito ang ­pag-aakusa sa kampo ni Kris ng pagbabawal sa kanilang ­mag-post sa ­social ­media.

Sinagot din niya ang paratang ni Kris sa isa sa mga IG post nito at sa Kris Life Updates with Ana Pingol na “deeply embarrassed mother” na patungkol sa kanya. Sinabi niyang hinding-hindi umano siya mahihiyang maging nanay ni Nicko.

Tila may himig din ng pagbabanta ang ina ng mga Falcis sa pagbanggit nito sa isa sa 10 utos ng Diyos. “THOU SHALT NOT LIE. You started with lies, we will end it with truths.” Sa lahat umano ng kasinu­ngalingang inaakusa sa kanila ni Kris ay handa silang tapusin ito katapat ng katotohanan.

Nagbigay din si Dra. Carol ng payo kay Kris. “As a mother, I hope she recovers from her autoimmune disease so that she can enjoy life with her sons just as I want to live the rest of my senior life with my kids in peace. I pray she comes to her senses. I have been experiencing anxiety, palpitations, and paranoia about the safety of Nicko ever since her death threats. I am not getting any younger!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy