Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Fam Day’ ng mga Lacson sagana sa kulitan, tawanan

0 129

‘Sunday Fam Day’ nga ang bentang-benta sa Instagram na pa-hashtag kapag Linggo.

Para sa halos lahat ng mga Filipino, ang Linggo ang pagkakataon para magsama-sama ang buong pamilya.

At ang dami ngang natutuwa kapag nagpu-post ang mga bata, o mga tatay, na magkakasama sila tuwing Linggo.

Kaya aliw na aliw ang mga fan sa Intagram post ni Pampi Lacson, na ang caption lang ay simpleng ‘Sunday’ na may emoji na face na naka-shade.

Sa photo kasi na pinost ni Pampi, makikitang siya mismo ang may hawak ng cellphone camera, at game na game naman na nagpa-picture ang mga kasama niya, lalo na si Sen. Ping Lacson at misis nitong si Mrs. Alice Lacson.

Bukod kay Pampi, ka-join din siyempre ang iba pang anak na lalake, sina Reginald, Ronald Jay, Jeric.

Bukod kay Pampi, pamilyar sa showbiz si Jeric dahil madalas siyang nakakasama nina Richard Gutierrez at Neil Arce (future husband ni Angel Locsin).

Tulad nga ng mga ordinaryong pamilya, sinisigurado ng mga Lacson na magkakasama sila tuwing Linggo, kumakain, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, o siguro ay nagdidiskusyon sa sitwasyon ng bansa.

Mababasa mo rin sa IG post na `yon ang suporta ng mga netizen kay Ping.

“My president for 2022!” say ni sugarlady.

“Gusto ko si Sen. Lacson very dignified, hindi corrupt!” sabi ni glim8888.

“Pa-fansigne naman sa zoom!” hirit ni wahoosotto.

At siyempre, pinaulanan ng puso ng mga fan ang IG post na `yon ni Pampi.

Anyway, palagi ngang sinasabi ni Pampi, na habang bata pa, at wala pang sari-sariling lakad ang mga anak niya, sinisiguro niyang nakakasama ang mga ito sa mahalagang araw.

Sa IG post nga niya na ang laki na ng anak niya (kay Jodi Sta. Maria) na si Thirdy Lacson, nasabi na lang niya ang mga linyang, “Time flies so fast.”

At ang isa pang nakakaaliw sa post na `yon ay ang mismong reaksiyon ng nanay ni Thirdy na si Jodi.

“Laki na nila, parang nahipan ng hangin,” sey ni Jodi.

Na sinagot naman ni Pampi na, “Ay naku korek, hehehe. Pati slippers niya malaki pa sa akin!”

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.