Una sa Balita

False alarm! 2 nagtae negatibo sa Wuhan virus

0 297

ISINUGOD sa pagamutan ang dalawa sa 32 Pinoy na nasa quarantine sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang 1-taong gulang na batang lalaki at 34-anyos na babae ay dinala sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital dahil sa pagtatae (diarrhea) at pananakit ng tiyan pero kapwa naman nagnegatibo sa COVID-19 o ang bagong pangalan ng 2019 no­vel coronavirus.

Muli umanong ibinalik ang dalawa sa NCC para kumpletuhin ang 14 na araw na quarantine period.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na hindi na nila dadagdagan pa ang 14 araw na qua­rantine period dahil sapat na ang nabanggit na panahon para makita kung mayroon silang sintomas ng COVID-19.

“We are checking on our repatriates twice a day to ensure that they are properly being cared for, and we will be providing sim and cell cards for those who don’t have mobile access within the faci­lity. Daily activities are organized to keep them busy and lessen their boredom. We are likewise facilitating psychosocial processing to ensure their mental well-being,” paniniyak ni Duque. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More