Una sa Balita

Fake news

0 768

Kasagsagan na ngayon ng kampanya para sa mga kandidatong nagkukumpentensiya para sa ating boto at mahalal bilang isa sa 12 Senador na iluluklok natin sa taong ito para sa susunod na anim na taon.

 Noong nakaraang Martes, ika-5 ng Marso, naging host ang Lungsod ng Bacoor sa isa sa pinakamalaking pagtitipon ng Hugpong ng Pagbabago kung saan halos 17,000 botante mula sa buong Cavite ang dumalo. Kung hindi pa nagsiksikan na parang sardinas, ay mas marami pa sana ang bilang ngunit para sa kaligtasan ng lahat, marami ang hindi na pinatuloy sa venue.

Pinangunahan ni Governor Boying Remulla, dating Governor Jonvic Remulla, Vice Governor Jolo Revilla, ng 21 alkalde mula sa 23 lungsod at bayan ng Cavite, at anim na Congressman sa pitong distrito ng Probinsiya ng ‘di magkamayaw na mga kabitenyo. Siyempre naroroon ang paboritong anak ng Cavite na si Senador Bong Revilla.

 Ang nakakalungkot lang, sa kabila ng mga larawan at video, nagkalat sa social media na wala pa raw 500 ang dumalo – isang tahasang kasinungalingan na walang ibang intension kundi insultuhin at laitin ang pagkakaisa ng Cavite – para makapanlinlang at mangloko. Buti na lamang at may halos 17,000 naroroon sa okasyon na agarang pinasinungalingan ang trabaho ng mga trolls na ito.

 Sa tuwing panahon ng halalan, nakikita natin ang masamang mukha ng kalayaan sa pamamahayag o freedom of speech. Naglipana ang FAKE NEWS na tila ginagamit na sandata ng mga desperadong kandidato na sa halip ibandera ang kanya-kanyang kakayahan ay pinipili na lamang na manira ng kapwa. ‘Yan ang tanda ng mga patalong kandidato – ang mga mahuhusay sa paninira at paggiba, at walang kakayahan sa pagbuo.

 Mahaba-haba pa ang itatakbo ng kampanyahan, kaya’t kailangan lahat ay maging mapagmatyag. Maging matalino at huwag magpa-uto na parang mga walang-isip na tupa na sunod lang nang sunod sa nagpapastol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy