Una sa Balita

Fake news, mga sakim, suwapang nagkalat sa socmed

0 433

NO traffic! No air pollution! Low crime rate!

Ilan ‘yan sa magandang epekto ng enhanced community quarantine.

Eh news programs ang namamayani ngayon sa radio at telebisyon, ang social media ang pinakamalakas na puwersa ngayon.

Nagkalat man ang fake news ngayon, still, instrumento ng pasasalamat sa frontliners at health workers ang soc-med.

Ito rin ang tulay upang mangalap ng donasyon upang makatulong sa nawalan ng trabaho. So far, so good dahil marami naman tayong kababayan na nagpaabot tulong.

Saluduhan ang mga artista at kilalang celebrities na tumutulong in cash or in kind. Sila man ay walang trabaho ngayon, yet, bukas-palad pa rin sila sa pagtulong sa kanilang paraan.

Nakakagalit nga lang na may manloloko at mga suwapang sa pera sa gitna ng krisis. Walang mga puso!

Tatlong linggo pa ang sakrpisyo natin. Aabutan pa tayo ng Mahal na Araw.

Sa pagdating ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday sa April 12, sumabay sana ang bagong buhay sa lahat ng Pinoy!

Birthday wish nga ni Jessica Soho, “This too, shall pass. We will all heal.”

Keep praying at maging disiplinado tayong lahat! (Jun Nardo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More