Una sa Balita

‘Fake news’ ang PLDT internet ang pinakamabilis

By
0 904

PINANININDIGAN umano ng online news site na Rappler ang pagiging lider sa pagpapakalat ng fake news sa bansa matapos sitahin ng isang information technology (IT) expert ang sablay at imbentong artikulo nito na tumutukoy sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company at Smart bilang pinakamalakas na internet service provider (ISP) sa Pilipinas.

Sa Facebook post, sinabi ng IT expert na si Wilson Chua ng Bandwidth and Signal Statistics (Pro­ject BASS) na “bullshit” o pure B.S. umano ang artikulo ng Rappler dahil hindi ito nagsaliksik nang mabuti para makapagpa­labas ng totoong artikulo.

Sa isang tech news report na inilathala ng Rappler, sinabi rito na nakakaungos ang PLDT at Smart na pawang pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa hanay ng mga ISP sa bansa.

Ibinatay umano ng Rappler ang kanilang ulat sa inilabas na report ng Speed Test ng Oookla kung saan ay iginawad sa PLDT ang pagkilala bilang nangungunang ISP sa fixed internet category.

Pinalilitaw umano sa artikulo ng Rappler na pinakamagaling ang kompanya ni Pangilinan at pinataob ang Sky at Globe sa paghahatid ng pinakamabilis na internet connection.

Sa hanay ng mobile connection, pinalilitaw din umano ng Rappler na dinaig ng Smart ang Globe sa pabilisan ng serbisyo.

“When a PR piece is passed off as ‘tech news’ and we projectbass.org know better, we must challenge it. In my opinion the Rappler article referenced below is FAKE news,” ani Chua sa kanyang Facebook post.
Ayon aniya sa kanilang data, mas mabilis pa ang independent internet provider na Converge ng “isang milya” kaysa sa bilis na ibinibigay ng PLDT.

Ibinunyag ni Chua na tinangka niyang makausap si Rappler Chief Exe­cutive Officer Maria Ressa para maiwasto ang artikulo pero binalewala at naging bingi umano rito si Ressa.

“I felt compelled to call out Rappler to check their sources BEFORE passing this off as news. We have already given Ms Ressa the link to DICT endorsed measures at http://dict.gov.ph/bass so they can easily countercheck Ookla’s PR. Apparently, they did not,” dagdag ni Chua.

Umapela si Chua sa Rappler na muling pag-aralan ang kanilang ulat para maiwasto ang pagkakamali at hindi sila maakusahang guilty sa paglalathala ng fake news.

Samantala, pinabulanaan ng writer na si Gelo Gonzales ang fake news tag sa kanila at idiniin na isinulat lang niya ang resulta ng research na ginawa ng Ookla.

“I reported on their findings. They too have their own methodology. Your Projectbass too could be another source. Share with me your findings,” hamon pa nito kay Chua.

“If you have a problem with the results and metho­dologies of Ookla and OpenSignal, take it up with them,” dagdag nito.

Hinihintay din umano niya ang sagot ng Ookla kung bakit hindi kasama sa listahan ang Converge.


BASS PH – Bandwidth and Signal Strength is a mobile app designed by volunteers for volunteers to crowdsource location-based bandwidth and signal strength measurements of their carrier of choice to compile actionable data that will be used to improve the state of local internet quality in the Philippines.

Download ProjectBASS.org APP

Android | IOS

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy