Una sa Balita

Fajardo vs Castro sa BPC

0 246

BUMABA ang numero ni TNT veteran guard Jayson Castro, pero nakapitan ang third spot ng stats derby para sa Best Player of the Conference award.

Ang The Blur ang highest-ranked player sa karera mula sa mga nakapasok sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Nasa unahan pa rin ang dalawang super-rookies na sina Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater (37.2 averages statistical points) at CJ Perez ng Columbian (36.1 average SPs). Pero hanggang quarterfinals lang ang Elite, ‘di umabot sa playoffs ang Dyip.

Gumitgit sa leaderboard ang isa pang newbie, si Robert Bolick ng NorthPort na sinapawan sa No. 5 si RR Pogoy ng KaTropa.

Hanggang final four, nasa Magic 5 sina Parks, Perez, Castro (33.7), June Mar Fajardo ng SMB (32.9) at Bolick (32.46).

Nalaglag sa 9th si Pogoy sa ilalim nina Sean Anthony ng NorthPort (32.45), Chris Banchero ng Alaska (31.1), at Batang Pier Moala Tautuaa (30.9).

Kinumpleto ni Matthew Wright ng phoenix Pulse (29.4) ng Phoenix ang Top 10. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy