Una sa Balita

Fajardo ‘Thanos’ ng PBA

0 372

Nakuha na ng Petron ang back-to-back Grand Prix title ng Philippine Superliga.

Kinuha nila ang dalawang sunod na panalo sa best of 3 series kontra sa F2 Logistics. Ang dating Blaze Spiker na si Stalzer ay nasa F2 na katulong si MJ Perez ngunit bigo sa kanyang bagong team.

Talaga namang tinapatan ng Petron ang F2 dahil kahit nakauna ang team ni Tiyang Aby (Maraño) ay nasulot pa rin sa kanila ang sana ay panalo na nila. Congratulations sa koponan ng Petron at F2 dahil sa napakagandang finals na inyong ipinakita.

Alam ng lahat na ang Petron ay pag-aari rin ng San Miguel Corporation na sa kasalukuyan ay may dalawang teams din na nasa finals ng PBA. Walang talo ang SMC dahil napakahusay ng kanilang teams sa bawat liga na kinabibilangan ng mga ito.

Kitang-kita sa performance ng kanilang mga team ang pagpapahalaga ng SMC sa kanilang mga player, siyempre naman kung maalaga ang management sa players ay paniguradong maaasahan na ang pangmalakasang husay na ibibigay sa bawat laro ng kanilang manlalaro.

Sino ba naman ang hindi gaganahan kung and suporta sa lahat ng aspeto ay ibinibigay na sa iyo? Kumpletos rekados ‘ika nga.

Hindi sayang ang investment ng SMC sa mga team nila dahil pride at honor ang la­ging isinusukli ng mga ito simula’t sapul. Atin na lang abangan kung sinong SMC team ang mananaig sa Philippine Cup.

Habang isinusulat ko ang kolum na ito kahapon ay nagbabakbakan na sa Game 4 ang Magnolia at San Miguel, 2-1 ang series. Hindi nagpauna ang Hotshots at hindi pumayag na mangyaring muli ang naging karanasan nila last year sa finals kontra sa Beermen. At kahapon din sa Game 4 iaanunsiyo ang tatanghaling Best Player of the Conference.

Nangununa para sa BPC award si five-time MVP Junemar Fajardo.

Ang tanong, maitatanggi pa ba natin na siya rin ang karapat-dapat para sa award na ito? Approved sa akin ito mga Ka-Abante.

Kitang-kita naman sa stats niya sa bawat laro na hindi natitinag si Kraken, talo man ang kanyang team sa ibang laro ay nananaig pa rin ang pagiging dominante nito sa loob ng court.

Talagang halimaw si Fajardo, walang nakapipigil lalo na nga kapag gigil ito. Sabi nga ni Thanos mga Ka-Abante, “I am inevitable”, at pwede rin itong sabihin ni Kraken sa mga bumabantay sa kanya at sa mga dinedepensahan niya sa ilalim, dahil tama naman, talagang unstoppable din ito kaya mahirap bantayan.

Oo, talented at puno ng skills talaga itong si Fajardo, bukod sa height niya, nahihirapan din ang mga bantay niya dahil sa kanyang bigat. Tulad nga ng madalas sabihin, “ang bumangg­a giba”, ganyan ang pakiramdam ng bawat player na bumabantay sa kanya.

Tingin ko, sapat na ito para mapasa-kanyang muli ang BPC award, deserve niya ito dahil sa kabila ng lahat ng success at blessings niya ay nananatili pa rin siyang mapagkumbaba at hindi kailanman nakalimot sa kanyang pinanggalingan.

Sa NBA naman mga Ka-Abante, damang-dama ang init ng bakbakan, hatid sa mga fans ay adrenaline rush sa bawat laro, pero nakatutuwa na sa init ng mga laro sa liga ay hindi nila nakakalimutan na mas mapalapit sa pa sa fans ngayong Mental Health Awareness Month.

Ngayong Mayo ay binigyang-pansin ng liga ang Mental Health Awareness, meron silang hotline kung saan maaaring magpadala ng text messages ang mga tao na may personal issues at may mga professionals sila na magbibigay-tulong sa mga ito, at ito ay libre mga Ka-Abante.

Ako’y natuwa sa movement na ito ng NBA Cares dahil napakahalaga ng Mental Health at isa silang magandang platform para rito dahil na rin sa laki ng reach nila at sa dami ng fans.
Sana sa ating mga liga din ay may mga ganitong movements at ipagpatuloy nawa nila ang ilan sa kanilang exis­ting projects.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, Sportalakan, Martes, 6pm.
Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy