Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fajardo, SMB todo pati pato

0 110

PUKPUKANG umaatikabo ang Game 7 ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT ngayong araw sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor.

Matapos ang dikitang Games 1 at 2, puro tambakan na ang mga salitang panalo sa sumunod na apat.

TNT sa Game 3 (115-98), bumawi ang SMB (116-90), bumuwelta ang Tropang Giga (110-90) bago ang resbak ng Beermen (103-90) noong Biyernes para humirit ng do-or-die.

Inumpisahan ni Marcio Lassiter, sinundan ni Mo Tautuaa na sinahugan ng solidong performance nina Terrence Romeo, June Mar Fajardo at Arwind Santos ang series-tying win ng SMB.

Taya pati pato’t panggulo na rin sina Chris Ross, Alex Cabagnot at CJ Perez.

Bigay-todo na rin ngayon sina RR Pogoy, Poy Erram, Troy Rosario, Jayson Castro, Mikey Williams at Kelly Williams.

“It’s going to be tough. … And we also have to put all our effort into this next game coming on Sunday,” suma ni Lassiter, 5 for 9 mula sa 3s tungo sa 19 points na sinahugan ng 5 rebounds, 3 assists at 4 steals noong Game 6. “It’s going to be war out there.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.