Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fajardo, Romeo sinupalpal injury

0 113

KAPWA nagbabalik mula sa career-threatening injury sina six-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo at three-time scoring champion Terrence Romeo.

Hindi maihahalintulad ang ipinapakita ng dalawa sa pagbabalik sa paglalaro kung saan itinala ni Fajardo ang ika-14 nitong double-double sa ginaganap na komperensiya habang muling dinodomina ni Romeo ang kanyang dating lungga bilang numero uno sa scoring department sa ginaganap na best-of-seven semifinals series.

Si Fajardo ay matatandaang nagtamo ng right tibia fracture na dahilan upang hindi ito makapaglaro nakaraang taon, habang si Romeo ay nabalian ng kaliwang balikat sa simula pa lamang ng bubble nakaraang season at ilang beses din muntikan na magtamo ng malala na injury sa eliminasyon ng torneo.

Related Posts

Bagaman limitado pa rin ang galaw, nagtala si Fajardo ng 13 puntos, 12 rebounds, 1 assist at 1 block mula sa 5-of-6 nito sa field goal at 3-of-5 sa free-throws upang ipakita ang malaking pagbabago sapol nang magbalik sa laro.

Tanging sa Game 1 lamang nagtala ng single digit si Romeo sa naiuwi nitong walang puntos sa 19 na minutong laro sa 88-89 kabiguan ng Beermen bago nagtala ng double figures sa huling tatlong laro kung saan nagawang itabla ng San Miguel ang serye sa tigalawang panalo

Kinolekta ni Romeo ang 22 puntos, 7 rebunds, 2 assists at 1 steal sa Game 2 habang mayoon itong 26 puntos, 1 rebound at 4 assists sa Game 3 habang mayroon itong 16 puntos, 4 rebounds, 4 assists at 1 steal sa Game 4. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.