Una sa Balita

Fajardo, Romeo, Ravena rambol muna sa Iloilo

By
0 1,031

GALIT-GALIT muna sina June Mar Fajardo, Terrence Romeo at Kiefer Ravena at ang Philippine national team sa May 27.
Sa last leg ng PBA All-Star game sa Iloilo City, nasa kabilang bench sina Fajardo, Romeo at Ravena para banderahan ang Visa­yan selection laban sa Gilas national team.

Kasama sina Fajardo at Ravena sa Gilas team ni Chot Reyes na lumaro sa first two windows ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers. Wala doon si Romeo dahil sa iniindang knee injury.

Starters ang tatlo ng Visayas squad na hahawakan ni coach Chito Victolero, kasama sina Greg Slaughter at James Yap.

Kukumpleto sa team sina JR Quiñahan, Jeff Chan, Chris Ross, Joe Devance, Eman Monfort, Jericho Cruz at Asi Taulava.

Sa kabilang banda, pinili ni Reyes sina Japeth Aguilar, Troy Rosario, Mac Belo at Carl Bryan Cruz para manguna sa kanyang team, kasama sina Jayson Castro, Gabe Norwood, Jio Jalalon, Calvin Abueva, Matthew Wright at Allein Maliksi.