Una sa Balita

Fajardo, Pingris abala sa DOTA

0 422

MATAGAL-TAGAL na ring magkalaro sa DOTA ang best friends na June Mar Fajardo at Marc Pingris, ngayong kanselado ang PBA ay humaba ang oras nila sa tagisan.

Balyahan sa court, magkasangga sa paglalaro sa gadgets.

Walang magawa dahil bawal din mag-ensayo sa gym bunga ng coronavirus, nasa kani-kanilang bahay lang ang teammates sa Gilas Pilipinas.

Pabor kay six-time MVP June Mar dahil hindi naman talaga siya makakilos, nagpapagaling pa mula sa fractured right shin.

Hindi naman sila magkasamang naglalaro.

“Nasa bahay ako, siya naman nasa condo niya,” pahayag ni Pingris sa PBA.ph.

Magandang therapy raw ang laro, nakakalibang sa palipas-oras. Nakakapag-bonding pa silang dalawa.

“Pero para sa akin, more dasal and gym,” dagdag ni Pingris.

Taong-bahay raw siya, tumutulong sa paglilinis at nakikipaglaro sa mga anak nila ni Danica Sotto.

Hindi nawawalan ng ehersisyo si Ping, sinasabayan din ang asawa at mga kasamahan sa bahay sa indakan.

“Sumasali ako sa zumba, then gym lang rin sa bahay,” balita niya. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More