Una sa Balita

Fajardo may pabertdey sa pamilya

0 395

KAHIT saang entablado, handang magpasiklab si five-time reigning PBA most Valuable Player June Mar Fajardo.

Maging ang kasalukuyang 30th SEA Games, inaari ni ‘The Krakken’.

Walang nagawa ang depensa ng Vietnam laban sa kay June Mar nang magtala ng 21 points at 12 rebounds para tulungan ang Gilas Pilipinas sa 110-69 panalo Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Ang magandang laro, alay ni June Mar sa mga kapamilya niyang nagdiriwang ng birthday ngayong Disyembre.

“Nandito ako para sa pamilya ko — sa mama ko, papa ko at sa kapatid ko. So sila ‘yung dahilan kung bakit nandito ako,” paliwanag ng PBA five-time MVP.

“Belated happy birthday sa mama ko, sa kapa­tid ko, saka magbe-birthday papa ko sa 18,” pabati niya.

“Kaya uuwi agad ako after ng SEA Games para mag-spend time sa fami­ly ko. Then ayun ise-cele­brate na namin ‘yung birthday ng papa ko, mama ko, kapatid ko at saka ako rin.” (Cyreel Zarate)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More