Una sa Balita

Fajardo may ‘green light’ na sa SMB

PAGBABALIK!

By
0 1,117

Team Standings W L
Magnolia 7 2
Ginebra 7 2
Alaska 7 2
Phoenix 6 3
Blackwater 6 3
San Miguel 4 4
NLEX 4 5
TNT KaTropa 4 5
Meralco 4 6
Rain or Shine 2 6
NorthPort 2 7
Columbian Dyip 1 9

Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 pm – Rain or Shine vs. Phoenix
7 pm – SMB vs. NorthPort

MAY go-signal nang maglaro si June Mar Fajardo, pero gustong siguruhin ni San Miguel Beer coach Leo Austria na 100 percent nang magaling ang kanyang big man bago isalang.

Hindi pa naglalaro sa PBA Governors Cup ang four-time reigning MVP dahil sa fractured shin na nakuha nang matalo sa anim na laro sa Ginebra sa Commissioner’s Cup Finals.

Lunes nang binigyan ng mga doktor ng green light si Fajardo para makabalik sa court, ki­nabukasan ay nakisali na ang 6-foot-10 center sa praktis.

Pero hindi pa sigurado kung palalaruin na ni Austria ang Cebuano kontra NorthPort sa main game mamaya sa Cuneta Astrodome.

Running sixth sa standings ng season-ending conference ang Beermen sa 4-4 win-loss card, nag-iipon ng ‘W’ para masigurong masasama sa top 8 na aabante sa quarterfinals.

Nasa unahan nila ang parehong 6-3 na Blackwater at Phoenix. Sa ibaba ng SMB ang 4-5 NLEX at TNT, at ang 4-6 Meralco.

Sa unang match ay haharapin ng Fuel Masters ang Rain or Shine (2-6).

Ayaw isugal ni Austria ang kanyang slotman, bibigyan niya ng ilang araw pa si Fajardo para magamay ang balik.
“We will see pagdating ng Saturday if he is ready to play,” anang coach. “But definitely, before the eliminations is over, I think he could play.”

Pagkatapos ng Elasto Painters, tatapusin ng San Miguel ang 11-game eliminations kontra Bolts sa Nov. 3.
Kita ang gigil ni Fajardo na makalaro na, dahil pagkatapos bigyan ng go-signal ay nagbihis na at sumalang sa light shooting.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy