Una sa Balita

Fajardo, Lassiter ‘di lalaro sa Macau

0 294

MAMI-MISS ng San Miguel Beer ang serbisyo nina veteran big man June Mar Fajardo at gunner Marcio Lassiter sa East Asia Terrific 12 Tournament sa Macau.

Parehong nagpapagaling mula injuries ang dalawa sa mga inaasahan ni coach Leo Austria – si Lassiter mula knee injury, at si Fajardo sa sprained ankle na nakuha sa group stage ng katatapos na FIBA World Cup sa China.

Kina reinforcements Lester Prosper at Dez Wells sasandal ang Beermen sa torneo na siklab ngayong araw, Sept. 17, hanggang 22.

Malaking papel din ang gagampanan ni Christian Standhardinger sa frontcourt.

“He’s more of a slasher, and he’s got a decent perimeter game too and a good defender,” ani Austria kay Wells na naglaro sa Oklahoma City Blue sa NBA G-League.

Magandang tune-up din ito kay Wells, 27, na ipaparada ng SMB sa season-ending Governors Cup na magsisimula sa Sept. 20 sa MOA Arena.

Uumpisahan ng San Miguel ang kampanya sa Macau kontra Shenzhen Aviators ngayong araw.

Imports ng Aviators sina dating Dallas Mavericks Pierre Jackson at NBA veteran Shabazz Muhammad na naglaro dati sa Minnesota Timberwolves at Milwaukee Bucks.

Break ang San Miguel bukas bago tatapusin ang kampanya laban sa defending champions Ryukyu Golden Kings na aayudahan nina ex-Utah Jazz Jack Cooley, American Josh Scott at Euroleague veteran De’Moon Brooks.

Nasa Terrific 12 din ang dalawa pang PBA teams na TNT KaTropa at Blackwater Elite. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy