Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fajardo, Gilas U16 babalatan Indonesia

0 55

AGAD hablutin ang importanteng panalo ang hangad nina Ava Fajardo at Gilas Girls sa pagsagupa nito sa karibal na Indonesia sa pagsisimula ng kampanya sa FIBA U16 Women’s Asian Championship na gaganapin simula Hunyo 24 hanggang 30 sa Amman, Jordan.

Ang Gilas U16 ay binubuo nina Emaleena Elson, Ava Fajardo, Hannah Lopez, Samantha Medina, Ryan Kelly Nair, Camille Nolasco, Kailah Jade Oani, Naomi Panganiban, Sierra Jade Patricio, Gabriella Ramos, BJ Villarin at Kristan Yumul.

Pagkakataon naman ni Ava isuot ang jersey ng Gilas halos isang buwan lamang matapos naman gawin ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ella sa pagsabak nito sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

Excited maglaro si Fajardo para sa Pilipinas matapos na makita ntio ang kanyang ate na nagawang magpakita ng husay sa pagtulong sa Gilas Women na maipagtanggol ang medalyang ginto sa nakalipas na SEA Games.

“She’s been helping me to get ready for the media, basketball-wise, tinutulungan din niya ako mentally,” sabi nito.

Kasalukuyang nasa Division B ng torneo, hinahanap ni Ava at ng iba pang Gilas Girls na ma-promote sa top division.

Magsisimula ang labanan ngayong Biyernes, Hunyo 24, laban sa Indonesia. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.