Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fajardo dibdiban sa pakondisyon

0 47

SASAMANTALAHIN ni June Mar Fajardo ang muling naurong na opening ng PBA 46th Season para malubos ang rehabilitasyon.

Scratch na ang April 18, sa Mayo na inaasahang magbubukas ang liga.

Dumami na naman ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kaya ibinalik hanggang April 11 sa enhanced community quarantine ang NCR at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“With the current situation, sigurado mamo-move ang season,” pahayag ni San Miguel Beermen team manager Gee Abanilla sa PBA website. “That would be good for June Mar’s recovery.”

Bago nagsimula ang nakaraang season, nabalian ng alulod si Fajardo at sumailalim sa operasyon. Hindi siya nakasama sa Clark bubble, nadiskaril ang paghahabol ng Beermen sa pang-anim na sunod na Philippine Cup crown.

December, nagka-impeksiyon ang operasyon ng 6-foot-10 center habang nagpapagaling na sa Cebu.

Dalawang buwan pa ulit natengga ang six-time MVP bago nakabalik sa ensayo.

Nabanggit din noon ni coach Leo Austria noong nakaraang buwan na nakabalik na ng gym si Fajardo, nakakalakad na ng diretso at nakakapag-shooting.

Pero nagsara naman ang gyms dahil sa ECQ, kaya tigil din ang workout ng SMB. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.