Una sa Balita

Fajardo, Beermen tuloy ang dinastiya

0 326

UNLI RISE!

IPINAGDIINAN ni June Mar Fajardo ang tigas ng loob ng San Miguel Beer sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals.

Ayaw sumuko, ayaw bitawan ang korona na apat na taon na nilang h­awak.

Ang resulta ay 72-71 victory ng Beermen laban sa Magnolia Hotshots sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, ito ang lowest-scoring Game 7 sa Finals sa nakalipas na 17 years, sapul nang laktawan ng Batang Red Bull ang Talk ‘N Text 67-60 sa 2002 Commissioner’s Cup.

Kumpleto na ang five-peat, isang bagay na wala pang nakakagawa sa 44-years ng PBA.

Nagbaba ang 6-foot-10 Cebuano ng PBA all time-high 31 rebounds, 11 dito mula sa offensive end. May 17 points din sa 7 of 13 shooting, 2 blocks, 2 steals at 1 assist pansapaw sa 9 turnovers. Pero malinis ang ilalim ng fouls sa stat sheet – hindi siya natawagan ng foul sa loob ng 39:13 sa loob.

Ang dating record ng most r­ebounds sa isang laro ay 29 – pinakamatagal naburang record na nilista ni Marcelo Simbulan ng 7-UP sa inaugural season ng liga noon pang 1975.

Pagkatapos niyang itaas ang Best Player of the Conference award bago ang Game 4, pagkatapos ng clincher Miyerkoles nang gabi ay tinanggap naman ang plake ng Honda PBA F­inals MVP mula sa PBA Press Corps – pangatlo niyang Finals MVP award.

Nag-average ang five-time MVP ng 22.9 points, 19.1 rebounds at 1.9 blocks sa epic seven-game series. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy