Una sa Balita

Fajardo, Beermen matibay sa Game 7

0 289

HINDI na bagito ang San Miguel Beer sa matira-matibay na Game 7.

Pinakamaraming napagwagiang korona bilang isa sa pioneer na koponan sa propesyonal na liga sa bansa, humugot ng malalim na lakas at tibay ang Beermen Linggo nang gabi upang iuwi ang 98-86 panalo at panatiliing buhay ang tsansa nito sa inaasam na ikalimang sunod na titulo sa PBA All-Filipino Conference.

Ang panalo ay nagtulak sa Beermen para tumuntong sa ikatlo nitong pagsagupa sa matira-matibay na Game 7 sa nakalipas na huling limang salpukan sa Philippine Cup.

Mistulang beterano rin ang Beermen na nakipagsagupaan sa huling dalawang naganap na Game 7, kunsaan nagawa nitong magwagi sa dalawang okasyon na kapwa kontra sa Alaska Aces.

Unang nagwagi sa serye ang Magnolia bago nagwagi muli sa Game 3 at 5 habang naghabol naman ang Beermen sa pagwawagi nito sa Game 2, 4 at 6.

Bawat panalo ng Beermen ay malalaki ang kalamangan habang dikit lamang at sa mga hu­ling yugto nagagawa ng Hotshots na maitakas ang mga panalo.
Muling gigiyahan ni 5-time reigning MVP June Mar Fajardo ang San Miguel katuwang sina Arwind Santos, Marcio Lasiter, Terrence Romeo at Alex Cabagnot. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy