Una sa Balita

Faithful Wife babantayan

0 237

TUTUTOK ang mga liyamadista kay Faithful Wife paglarga ng Group Race (8-9) ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang malaking suporta ang matatanggap ni Faithful Wife sa mga karerista bago ­ilarga ang nasabing karera sa Race 5.

May distansyang 1,300 meters, limang kabayo ang makakalaban ni Faithful Wife na rerendahan ni apprentice rider MP Laloma.

“Medyo may pressure kasi markado kami tapos magagaling pa makakalaban namin,” saad ni Laloma.

Ang ibang kalahok ay sina Can’t Rule Out, Tidal Wave, Heat Resistant, Lourdes Drive at Fire Council.

Pitong karera ang nakahain ngayong gabi kung saan pasisibatin ang unang race sa alas-6:30 ang Condition Race (21) na nilahukan ng pitong kabayo. (Elech Dawa)