Una sa Balita

Faeldon, Trillanes at Lacson labu-labo

By ,
0 1

Labu-labo na ang away ni dating Bureau of Customs (BOC) Commissio­ner Nicanor Faeldon kina Senador Antonio Trillanes IV at Panfilo Lacson.

Kasabay ng paghahain ng ethics complaint laban kay Trillanes dahil sa umano’y “unethical conduct through scurrilous, consistent and personal attacks; abuse of right and privilege at serious misconduct”, hinamon ni Faeldon ang senador na patunayan ang mga ma­lisyong paratang laban sa kanya sa gitna ng kontrobersya sa P6.4 bilyong shabu smuggling sa BOC.

Tinawag pa nitong sinungaling si Trillanes dahil sa paninira umano sa kanya na ginawa rin nito sa iba pang mga tao.

Hinamon naman siya ni Trillanes na magpakalalaki at harapin ang alegasyon na tumanggap ng tara sa panahon ng kanyang panunungkulan sa BOC.

“Kung anu-anong drama ang ginagawa nya. Sa akin magpakalalaki siya, harapin niya ito.

Kung wala siyang itinatago e sumagot siya ng maa­yos,” sabi ni Trillanes.

Nagsagutan din sina Faeldon at Lacson sa magkahiwalay na media interview sa Senado.

“Go ahead, I think Senator Lacson becomes so obsessed of me already,” sagot ni Faeldon sa napipintong pagsasampa ni Lacson ng mga kasong graft at economic sabotage laban sa kanya.

“I’m really obsessed to pin him down and prove there’s corruption and he’s involved in corruption,” sagot ni Lacson.