Una sa Balita

Faeldon nagpakulong sa Senado

By
0 139
richard-gordon-nicanor-faeldon
Nagkausap sina Senador Dick Gordon at Dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon makaraang tumanggi si Faeldon na humarap sa pagdinig ng Senado. Nagpakulong na lang si Faeldon.

Tinotoo ni dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang sinabi nitong hindi na siya haharap pa muli sa Senate Blue Ribbon Committee kaya nakadetine siya ngayon sa pasilidad ng Office of the Senate Sergeant-At-Arms (OSSA).

“Indefinite,” sagot ni Gordon nang tanungin sa isang ambush interview kung hanggang kailan ang detensyon ni Faeldon.

Pinatawan ng contempt si Faeldon dahil sa ilang beses na hindi pagdalo sa hearing ng komite.

Kusang loob naman itong nagtungo sa Senado kahapon ng tanghali subalit dumiretso sa OSSA na nasa ground floor ng Senado.

Hindi na pinilit ni Gordon si Faeldon na paakya­tin sa session hall kung saan isinasagawa ang hearing at sa halip ay ang senador na lamang ang pumunta sa OSSA upang kausapin ang dating BOC chief.

“Sabi niya `yun ang desisyon niya hindi siya haharap dito at sa husgado siya haharap,” sabi ni Gordon.