Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Factory worker dinale ng kawatang riding-in-tandem

0 42

Hindi na madali ang pagpasok sa trabaho dahil sa limitadong transportasyon, dinale pa ng magnanakaw na sakay ng motorsiklo ang isang factory worker na nagbibisikleta sa Malabon City.

Ayon sa biktimang si Rojoy Monghit, 22, ng Brgy. Catmon, alas-8:30 kamakalawa ng gabi habang binabaybay niya ang kahabaan ng Governor Pascual sa Brgy. Potrero, bigla siyang hinarang at pinahinto ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo na walang plate number.

Hinablot kaagad ng isa sa mga kawatan ang kanyang cellphone saka tumakas, pero kaagad na nagsumbong ang biktima sa mga barangay tanod sa lugar at inilahad nito ang diskripsiyon ng mga suspek.

Nakorner ang mga kawatan sa kabilang kanto ng barangay at kaagad na pinosasan.

Kinasuhan ng robbery at snatching sina Antonio Guibone, 20, at Mark Leyner Olonan, 30. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.