Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Faceless ang mga taong nakikita

0 95

Nakapanaginip ako na ang mga taong kausap ko raw ay walang mukha o blangko lang ang pero minsan meron naman pero malabo. At naramdaman ko raw na ang iba kong nakita sa panaginip ko ay kakilala ko pero dahil walang mukha ay hindi ko naalala kung sino hanggang paggising ko. May gusto kaya itong sabihin sa akin? Parang nakakatakot kasi dahil unang beses kong mapanaginipan ang ganito. Salamat sa reply niyo.

  • Elda

Totoo ngang nakakakaba at pwede rin tayong mag-alala sa panaginip na kung saan hindi natin nakikilala ang taong nakasalamuha natin dahil wala silang mukha, pero subukan nating bigyang interpretasyon ito ngayon.

Una, ang panaginip na may kinalaman sa mukha o nakakita ng mukha ay nangangahulugan na inaalam mo pa ngayon kung ano talaga ang iyong identidad. At kung wala namang mukha ang taong nakita mo sa iyong panaginip, ibig sabihin nito ay maging sa iyong paggising ay may problema ka sa pagkilala kung sino ka talaga.

Kung kilala mo ang personalidad na nakita mo sa iyong panaginip, kahit hindi mo nakita ang kanyang mukha, sinasabi nito na hindi mo tinatanggap ang isang tao sa kung ano siya at kanyang tunay na katangian. Ibig sabihin, konektado ito sa iyong point of view o pananaw pagdating sa pag-judge ng pagkatao ng iba. Sinasabi rin nito na dahil sa iyong inability na maunawaan ang lagay ng iba, mas malakas ang desire mo ngayon na palalimin pa ang alam mo tungkol sa sarili mong personalidad at identity ng mga taong importante sa iyo.

Pwede ring sinasabi ng panaginip mo na nasa stage ka ngayon ng pagiging lito. May tao sa buhay mo na hindi mo alam kung mahal mo romantically o pang-friendship lang. Maaaring alam din ng taong ito kung ano ang iyong kinatatakutan kaya parang nag-aalala ka rin kung kailan siya aatake. Kung may traumatic event sa buhay mo, magpatulong sa expert upang malagpasan mo ang suliranin.

Dagdag dito, kung ikaw naman ang faceless sa iyong panaginip, ibig sabihin ay bukod sa hindi mo pa alam ang sariling identidad, maaaring nahihirapan ka na makamit ang iyong mga goal at nalalayo ka na sa iyong tunay na sarili.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.