Una sa Balita

Facebook pumiyok sa 87M ill-gotten data

By
0 1,637

HINDI lang 50 milyon kundi higit sa 87 milyong Facebook user ang nanakawan ng datos ng Cambridge Analytica, ayon sa mismong founder at CEO ng kompan­ya na si Mark Zuckerberg.

Sa isang press conference, inamin ni Zuckerberg na gumawa siya ng ma­laking pagkakamali nang hayaan niya ang app developer, at hindi sumunod sa mga patakaran.

Isang app ang ginamit ng Cambridge Analytica na gawa ng isang professor ng Cambridge University upang makapagnakaw ng milyong data ng Facebook users.

Ginamit ito ng kompanya upang maimpluwensiyahan ang isipan ng mga botante noong 2016 elections kung saan nanalo ang negosyanteng si Donald Trump.

Inamin ni Zuckerberg na aabot ng ilang taon para maayos ang problema sa Facebook.

Sinimulan na ng Facebook ang pagpapadala ng abiso upang ipaalam sa user kung anong app ang kanilang ginagamit at anong impormasyon ang sine-share nila gamit ang mga nasabing apps.

Bukod sa privacy scandal, nilalaba­nan din ng Facebook ang fake news.

Haharap si Zuckerberg sa ipinata­wag na imbestigasyon ng US Congress sa nasabing eskandalo sa susunod na linggo.