Una sa Balita

Facebook pinagmulta sa data breach scandal

0 887

Nilabag ng Facebook ang batas sa Britanya dahil bigo silang protektahan ang user data nang nakawin ng Cambridge Analytica ang impormasyon ng ilang milyong user upang magamit sa political campaign.

Dahil dito, pagmumultahin ang Facebook ng 500,000 British pound, pinakamalakin­g multa sa ilalim ng data protection law ng ­United Kingdom.

Lumabas sa imbes­tigasyon ng Information Commissioner’s Office (ICO) na bigong masiguro ng Facebook na maging ‘secured’ ang impormasyon ng kanilang user matapos itong magamit ng Cambridge sa pamumulitika.

Balak din ng ICO na maghain ng criminal action laban sa SCL Elections, ang parent company ng Cambridge Analytica.

Kabilang din ang Pilipinas sa naging biktima ng Facebook data breach scandal.