Una sa Balita

Facebook pinagmulta ng $5B sa nakawan ng data

0 232

INAPRUBAHAN ng Federal Trade Commission (FTC) ang $5 bilyong multa laban sa Facebook upang matigil na ang imbestigasyon sa paglabag sa data privacy ng nasabing higanteng social media network.

Napilitang makipag-areglo ang Facebook matapos ang masusing imbestigasyon ng FTC sa ginawang pagnanakaw ng Cambridge Analytica sa 87 milyong personal data ng mga user upang magamit sa kampanya ni Donald Trump noong 2016.

Sa botong 3-2, inaprubahan ng FTC ang multa laban sa Facebook. Nilabag umano ng Facebook ang kasunduan noong 2011 na kailangang ipagbigay-alam nito sa mga user at kunin ang approval sa pag-share ng data.

Isa lamang ito sa kinakaharap na imbestigasyon ng Facebook sa paglabag sa data privacy sa Estados Unidos at iba pang panig ng mundo.

Dismayado naman ang ilang kritiko kung bakit hindi pinatawan ng parusa ang chief executive na si Mark Zuckerberg.

Ang parent company ng Cambridge Analytica ay nakaladkad din sa 2016 presidential elections sa Pilipinas kung saan ninakaw umano ang data ng ilang milyong Pinoy para maimpluwensyahan ang boto ng kandidato.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy