Una sa Balita

Facebook ni Robin nawala Kampo ni Trillanes sinisi

By
0 1,167

Ang sunod-sunod na pagbatikos ni Robin Padilla kay Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang Facebook account ang tinuturong dahilan kung bakit bigla na lang na-deactivate at hindi na siya makapag-access pa.

Sa naging interview ni Binoe sa Super Radyo dzBB, sinabi nito ang tungkol sa pagkaka-deactivate ng kanyang Facebook pagkatapos siyang sabihan ni Trillanes na ‘noisy’ siya.

Malamang daw ay may mga supporter si Trillanes na ni-report ang kanyang account dahil sa mga pino-post niya laban sa senador.

“Kasi po kinansel po ‘yung Facebook ko. Hindi ko na mahanap. Ano po kaya ang ire-report nila dun..? Wala naman po akong bold du’n.

“Ang lahat po ng aking content ay tungkol po sa bayan,” paliwanag pa ni Binoe.