Una sa Balita

Facebook isinara ang 220 page, 73 account

0 412

Tuluyang isinara ng Facebook (FB) ang mga page at account na lumalabag sa kanilang mga polisiya kasabay ng pag-ban sa digital marke­ting group sa Pilipinas na Twinmark Media Enterprises dahil sa pag­labag sa kanilang mga polisiya.

Sa pahayag ni Nathaniel Gleicher, FB head of cyber security, tinanggal ang 220 page, 73 account na konektado sa Twinmark Media dahil sa patuloy na paglabag sa misrepresentation at spam policy, bukod pa dito ang isinara ding 29 account sa Instagram.

Kabilang sa mga page na isinara ay ang Trending Topics PH, The Filipino Insights, Daily News PH, Filipino Channel Online at Georgeos Me.
Dagdag pa ni Gleicher, ang nasabing kompanya ay gumamit ng mga pekeng account at mga teknik upang makapanlinlang ng FB user.

Ipinaliwanag pa ng opisyal mula sa social networking company na nakabase sa Menlo Park, California, na tinanggal ang nasabing mga page dahil sa mga naging paglabag at hindi dahil sa nilalaman nito. Mayroon umanong ibang pro­seso para sa content violation.

Matatandaang nagtanggal din ang FB ng 95 page at 39 account dahil sa spam at authenticity behavior noong Oktubre 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy