Una sa Balita

Facebook, Instagram sadsad sa outage

0 302

NAHIRAPAN ng mga user ng Facebook sa buong mundo na makapasok sa nasabing social media network nitong Miyerkoles bunsod ng outage sa hindi pa malamang kadahilanan.

Ginamit pa ng Facebook ang karibal na kompanyang Twitter para ianunsyo ang problema sa kanilang mga app.

“We’re aware that some people are currently having trouble acces­sing the Facebook family of apps. We’re working to resolve the issue as soon as possible,” ayon sa statement ng Facebook sa Twitter.

Itinanggi naman ng Facebook na ang outage ay isang DDoS attack o distributed denial of service cyber strike. Ang DDoS ay isang uri ng cyber attack kung saan nagkakaroon ng multiple internet connection upang bahain ang target upang magkaroon ng fake traffic.

Kabilang sa mga platform na minamay-ari ng tech giant na Instagram, Messenger at WhatsApp ay nakaranas ng problema sa koneksyon.
Inabot ng 14 oras ang outage at bahagyang bumuti ang koneksyon nitong Huwebes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy