Una sa Balita

Facebook inaming nasilip ang password ng milyong user

By
0 325

INAMIN ng Facebook na nakuha nito ang password ng iba nitong mga user na naka-save sa kanilang internal data storage.

Ayon sa Facebook, hindi kasi nila dapat nababasa ang mga password dahil encrypted dapat ito.

Nabatid sa Facebook na nadiskubre nila ito noong Enero at inayos na nito ang problema subalit titimbrehan pa rin nila ang mga taong nakuhanan nila ng passwords na hindi encrypted.

Sa isang pahayag, sinabi ni Privacy Commissioner Raymund Enriquez Liboro na maa­ring noon pang 2012 ito nangyayari at may higit na 20,000 empleyedo ng Facebook ang nakaka-access ng password.

“The storage of Facebook passwords in plain text needlessly exposed people to risk. Passwords that are stored in plain text are more easily and readily stolen by those who intend harm; they may even be compromised by accident,” sabi ni Liboro.

Ayon naman sa National Privacy Commission, kinausap nito si Facebook privacy and public policy manager for Asia Pacific Arianne Jimenez at sinabi niyang wala silang nakitang ebidensiya na inabuso ito ng kahit sinuman sa kompanya sa ngayon.

Ayon sa Facebook, nadiskubre nila ito noong Enero at inayos na nito ang problema at titimbrehan pa rin nila ang mga taong nakuhanan nila ng passwords na hindi encrypted­.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy