Una sa Balita

Facebook at Twitter bagong requirement sa US visa

0 1,663

NAIS ng administrasyong Trump na kolektahin ang social media history ng mga taong gustong kumuha ng visa para makapasok sa Estados Unidos.

Ang panukala na nanggaling sa statement department, ay mag-oobliga sa visa applicant na ibigay ang detalye ng kanilang Facebook at Twitter account.

Tinatayang 14.7 mil­yon katao kada taon ang mahahagip ng panukala kapag pinagtibay.

Ang makukuhang impormasyon ay gagamitin para salain ang mga kumukuha ng immigrant at non-immigrant visa.

Hihingin din sa apli­kante ang kanilang telephone number, email address at travel history.

Kasama din sa itatanong sa aplikante kung sila ay naipa-deport na o may kamag-anak na nasangkot sa terrorist activity.

Hindi sakop ng paghihigit ang mga may visa-free status tulad ng mga mamamayan ng United Kingdom, Canada, France at Germany.