Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Face-to-face klase inawat

0 654

Nanindigan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na hindi praktikal na ngayon isagawa ang face-to-face classes sa pagtatapos ng klase dahil nagkukumahog pa ang mga guro at magulang kung paano maka-comply sa requirement at makasama sila sa in person classes.

Ayon kay TDC Chair Benjo Basas, mabuting ire-consider na lang ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng face-to-face class ngayon at gawin na lamang sa school year 2022-2023.

“Mainam po na nagpaplano na tayo at this early para sa face-to-face classes pero sa tingin ko hindi naman praktikal na ipagpilitan pa ito ng DepEd ngayon dahil malapit na rin ang 4th quarter,” ayon kay Basas.

“Siguro dapat gawin ng DepEd ay makikipagkonsultahan sa mga guro at kuhanin ang aming sentimyento at opinyon,” paliwanag ni Basas. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.