Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Face-to-face class suportado sa Cebu

0 118

Nagpahayag ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) Cebu Chapter sa mungkahi ng Department of Education para sa pagbabalik ng limitadong face-to-face class.

Sa nilabas na resolusyon ng LMP, na binubuo ng mga alkalde ng Cebu province, tanggap nila ang pagbabalik ng mga klase kapag mayroon ng konkretong plano at guideline para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, magulang at iba pang stakeholder.

Hinimok din ng LMP ang DepEd Cebu Province na alamin ang mga area kung saan pwedeng maibalik ang face-to-face class, at maselyo ang approval ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.

Bukod sa mga lokal na opisyal, kailangan ding pumayag ang DepEd Central Office pati na rin ang Inter-Agency Task Force.

¡°[A]mong the challenges discussed concerning the education in the new normal were societal impact of the new modes of education and its effects on the mental health of children, the heavy financial and logistical burden of printing materials for modular learning, poor telephone signal and internet connection¡­” saad sa resolusyon.

Sa general assembly ng LMP Cebu, prinesenta ni Dr. Leah Apao, acting assistant schools division superintendent sa Cebu, ang kinakaharap na problema ng mga estudyante sa new normal. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.