Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Face-to-face class sa evacuation center? DepEd wala pang sey

0 109

SDC

Hindi pa napag-uusapan ng Department of Education (DepEd) ang mungkahi na magkasa ng face-to-face class sa mga evacuation center para sa mga binagyong estudyante.

Sa pagdinig ng Senado, tinanong ni Senador Nancy Binay kung kinokonsidera na ng ahensiya ang nasabing mungkahi gayong “technically,” may face-to-face interaction na ang mga evacuee.

“‘Di ko po ‘yan masagot nang malinaw ngayon. As the [Education] Secretary has mentioned, the adjustments more is with respect to the making up, at some point, for lost time,” tugon ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

“Because of the policy on face-to-face classes, we haven’t made that policy adjustment or directive to resume education in face-to-face setting in these evacuation areas,” dagdag niya, na patungkol sa patakaran na bawal pa ang physical class habang may banta pa ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ng DepEd official na irerebyu nila ang mga local intervention na pinatutupad para sa mga estudyante sa mga sinalantang lugar.

Tinatapos na rin aniya ng DepEd ang updated recommendation nito kay Presidente Rodrigo Duterte hinggil sa dahan-dahang pagbabalik sa face-to-face class mula sa kasalukuyang distance learning.

Samantala, ayon kay Malaluan, pumalo na ang tantyang halaga ng pinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng edukasyon sa P3.8 bilyon.

“Because of the flooding nature of Ulysses, the non-infrastructure [damage] was quite big. It’s really not the damage to the infrastructure but the flooding that happened brought considerable damage to school furniture, learning materials, and computers of the schools,” lahad pa niya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.