Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Face mask sa bahay aprub sa DILG, DOH

0 440

Sinang-ayunan ng Department of Health (DOH) ang payo ni Interior Secretary Eduardo Año na pairalin sa bahay ang paggamit ng face mask o physical distancing kapag hindi maiwasang magkakadikit sa loob ng tahanan.

Ayon sa DOH tama lamang na mag-face mask ang magkakasama sa bahay kung may mayroong symptomatic at may kasama sa bahay na bahagi ng vulnerable population.

Nauna nang sinabi ni Ano sa dapat isipin ng publiko na ang pagkalat ng virus ay maari ring mangyari sa isang pamilya.

“Dapat ang best try ay gawin nila. Ang pinaka-importante dyan, kung talagang hindi nila maiiwasan, talagang magsuot sila ng mask. Advisable din ‘yung face shield dyan,” giit ni Año.

“Ang importante rin, ‘yung mga elders na kasama natin sa bahay dapat maprotektahan sila. Dapat talaga nakasuot sila ng mga mask, ‘yung mga mahihirap, at kung hindi pupwede, lahat talaga magstay at home,”dagdag nito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.