Una sa Balita

Face mask sa 1 botika sa Batangas pumalo ng P500

By
0 13,609

Nainis ang mga netizen nang malamang may binebentang N95 mask na nagkakahalagang P500 kada isa, sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay alyas “Angel,” na hindi nagpatukoy para sa kanyang kaligtasan, bumili siya ngayong Lunes, Enero 13, ng dalawang N95 mask sa isang botika sa Lipa, Batangas kahit ganoon ang presyo dahil kailangan ng kanyang kapatid na may hika.

Sa kanyang resibo, makikita na P1,000 ang binayaran niya para sa mga face mask.

Una nang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na handa silang magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal sa mga botika na nagbebenta ng overpriced face mask.

Ayon kasi sa mga reklamo ng mga mamimili online at sa DTI, ang dating P35 na N95 mask ay binibenta ngayon mula P100 hanggang P200 bawat isa.

Mananatili umano ang presyo ng mga batayang pangangailangan ng publiko base sa Suggested Retail Price (SRP) na nilabas noong Setyembre 31, 2019.

Sumuka na ng lava ang Bulkang Taal nitong Lunes ng madaling araw, kaya pinanatili ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 4 sa bulkan, sa banta ng delikadong pagsabog sa loob ng ilang oras o araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More