Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Face mask pasaway sa Cebu, sisitahin ng PNP

0 109

Sisitahin pa rin ng mga awtoridad gaya ng mga pulis at opisyal ng barangay ang mga hindi magsusuot ng face mask partikular sa Cebu.

Ito ang sinabi sa Laging Handa public briefing ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing sa kabila ng inilabas na direktiba ni Cebu Governor Gwen Garcia na maaari ng alisin ang face mask sa mga pampublikong lugar.

Ani Densing, may utos si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na gamitin ang face mask hanggang matapos ang kanyang termino dahil malaki ang tulong nito sa paglaban sa COVID -19 kaya dapat na sumunod ang mga tao.

Aniya, mismong ang pinaka-mataas na opisyal ng bansa ang nag-utos na huwag alisin ang paggamit ng face mask at may direktiba ito sa mga awtoridad na sitahin ang mga lalabag sa protocol.

“Meron pong valid order mula sa pinaka-mataas na opisyal sa ating bansa. So ang direktiba po ay sitahin ang ating mga kababayan na hindi naka-face mask. Kung may dalang face mask ang ating kapulisan, bigyan sila ng face mask.Kung sinasadya nila na huwag mag-face mask kahit may paliwanag ng mga awtoridad , magiging basehan ito ng pag-aresto,” giit ni Densing.

Bukod sa DILG, hindi rin pabor ang Department of Health sa desisyon ni Governor Garcia na maari ng hindi magsuot ng face mask sa labas o open spaces.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.