Una sa Balita

FAA bilib pa rin sa Boeing 737 Max

0 385

WALANG balak ang US Federal Aviation Authority (FAA) na suspendihin ang paglipad ng mga Boeing 737 Max aircraft sa kabila ng lumalakas na panawagan na igarahe ito bunsod ng pagbagsak ng dalawang modelo ng eroplano sa nakalipas na limang buwan.

Ayon sa FAA, walang ‘systemic performance issues’ kaya’t walang basehan ang grounding ng aircraft.

Noong Linggo, isang bagong Boeing 737 Max 8 aircraft ng Ethiopian Airlines ang bumagsak ilang minuto matapos ang take-off sa airport ng Addis Ababa kung saan 157 sakay ng eroplano ang namatay. Bago rin ang 737 Max 8 aircraft ng Lion Air nang bumagsak ito sa Java Sea noong Oktubre 2018 at mamatay ang 189 lulan ng eroplano.

Bukod sa ilang senador, nanawagan din ang Association of Flight Attendants-CWA union sa FAA na igarahe muna ang mga nasabing modelo ng aircraft habang iniimbes­tigahan kung saan may problema dito.

Ilan sa mga bansang tumigil sa paggamit ng Boeing 737 Max 8 aircraft ay ang China, UK, European Union at Australia. Nanindigan naman ang Southwest Airlines at American Airlines na patuloy nilang gagamitin ang nasabing uri ng aircraft.

May kabuuang 5,011 order ang Boeing para sa 737 Max 8 aircraft at 350 na ang kanilang nadeliver. Ang Max 7 at 10 model naman ay hindi pa nila nade­deliver sa mga nag-order na airline company.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy