Una sa Balita

‘F__k you 2017!’ – John Lloyd

By
0 7,004

May epekto ang social media sa career ng mga manghuhula dahil mga ordinaryong tao, puwede nang gumawa ng sariling mga hula tungkol sa mga mangyayari sa mundo ng politiko at showbiz.

Hindi kailangan ang malakas na extrasensory perception o ESP para hindi natin masabi ang mga mangyayari sa 2018, particu­larly sa showbiz, dahil kung pag-aaralan na mabuti, paulit-ulit lamang ang mga nangyayari na eskan­dalo at kontrobersiya pero iba-iba lang ang mga artista na sangkot.

Nag-retire na sa pa­nghuhula ang mga manghuhula dahil hindi na nila mabibilog ang ulo ng mga tao sa kanilang mga prediction na babawian ng buhay ang veteran actor at actress, mabubuntis si ganito at ganireng aktres, maghihiwalay ang mga showbiz couple at may mga baguhang artista na sisikat dahil taon-taon, ito naman talaga ang nangyayari sa entertainment industry.

“Fuck you 2017. You didn’t break me. Salamat” ang deklarasyon ni John Lloyd Cruz noong January 1, 2018.

Dumaan sa pagsubok noong nakaraang taon ang professional at personal life ni John Lloyd na isang mahusay na aktor kaya walang dahilan para hindi siya makabalik sa showbiz ngayong 2018 sa kabila ng mga batikos na natanggap nila ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Hinuhulaan na aaminin nina John Lloyd at Ellen ang pagkakaroon nila ng anak kapag isinilang na ito.

Hindi matututo ang mga showbiz personality mula sa karanasan ng ibang mga artista kaya asahan natin na masasangkot pa rin ang ilan sa mga video at photo scandal.

Sinon patay na ang career

Ang sentensya o parusa ng netizens kay Sinon Loresca na ‘the end’ na ang showbiz career ng King of Catwalk dahil sa pangangalmot niya at insulting apology­ sa isang lalake na nagmagandang loob sa kanyang personal assistant na biktima umano ng pangmamaltrato.

Pinanindigan ni Sinon ang pagiging Catwalk King dahil parang pusa na kinalmot niya ang complainant.

Passed na ang hula na may Pilipina na mananalo ng internatio­nal beauty crown dahil mula noong 2010, madalas na lumulutang at nagwawagi sa mga beauty pageant ang mga representative ng ating bansa.

Walang manghuhula na nakahula na mananalo na Miss Universe si Pia Wurtzbach noong 2015 dahil tatlong beses siya na su­mali sa Bb. Pilipinas bago niya nakuha ang Miss Universe Philippines crown.

Hula na mabubuntis si Heart katawa-tawa

Magiging katawa-tawa ang mga hula na magbubuntis si Heart Eva­ngelista dahil matagal nang sinasabi ng My Korean Jagiya lead actress na plano niya na magbuntis sa 2018.

Si Mark Bautista ang tiyak na Newsmaker of the Year sa first quarter ng 2018 kapag inilabas na ng VRJ Books Publishing Inc. sa mga bookstore ang kanyang controversial memoir, ang Beyond My Mark.

Laos ang manghu­hula na magsasabi na magpapatuloy nga­yong 2018 ang rivalry ng Eat Bulaga at It’s Showtime dahil ang dalawang programa lang ang magkatapat.

Titindi ang competition ng ABS-CBN at GMA 7 dahil naglabas na rin ng digital TV box ang Kapuso Network na pantapat sa ABS-CBN TV Plus ng Kapamilya Network.

Hindi dapat seryosohin ang magbibitaw ng hula na mas successful at hi­git na malaki ang kikitain ng Metro Manila Film Festival 2018 kesa MMFF 2017 dahil taon-taon, tuma­taas naman talaga ang presyo ng mga cinema ticket.

MMFF season pass ibinenta sa Alabang

Speaking of MMFF 2017, kumpirmado na may mga nagbebenta ng mga season pass ng 43rd Metro Manila Film Festival sa Alabang.

Isang kakilala namin ang nagsabi na ipi­nagbibili sa halagang P800 ang mga season pass pero discounted pa ito dahil P1,200 ang original selling price.

Sinabi namin sa source ng balita na mura pa rin ang P1,200 dahil mahigit sa P2,000 ang market value ng mga festival pass na ipinagbabawal ng Metro Manila Festival Executive Committee na ibenta pero nilabag ng mga Pinoy na negosyante na ginagawa ang lahat para magkaroon ng extra income.