Una sa Balita

‘F4’ tatrabahuhin ni Muyang, Letran

By
0 188

Standings W L
San Beda 14 1*
Lyceum 14 2*
Letran 11 4
Perpetual 10 5
St. Benilde 8 7
Arellano 5 10
Mapua 5 11
San Sebastian 4 11
EAC 4 12
JRU 2 14
(*clinched Final Four berth)

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Letran vs San Sebastian
4:00 p.m. – Perpetual Help vs EAC

NAIS ng Letran na duplikahin ang panalo nila nakaraan sa Lyceum of the Philippines University pagharap nila sa San Sebastian College ngayong araw sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Makasisiguro sa Final Four ang Knights kapag tinalo nila ang Stags, magsisimula ang kanilang banatan sa alas-dos ng hapon.

Tinuhog ng Knights ang 80-79 panalo kontra Pirates noong Biyernes upang ilista ang 11-4 karta at palakasin ang kapit sa third spot ng team standings.

Nauna ng sumampsa sa semifinals ang defending champion San Beda University (14-1) at LPU (14-2).

Kakapitan ng Intramuros-based squad Letran sina Larry Muyang, Bong Quinto at JP Calvo upang masikwat ang inaasam na ticket sa F4.

Samantala, magkakaldagan sa pangala­wang laro ang Perpetual Help at Emilio Aguinaldo College sa alas-kuwatro ng hapon.

Semifinals playoff naman ang maibubulsa ng host Altas sakaling makuha ang panalo sa Generals.

Solo sa No. 4 ang Perpetual Help tangan ang 10-5 card.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy