Una sa Balita

PSL | F2, Petron patok haharabas sa quarters

By
0 26

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
4:15 pm – F2 Logistics vs Iriga City
7:00 pm – Petron vs Generika-Ayala

Puntirya ng heavyweights F2 Logistics at Petron na kalusin ang kanilang mga katunggali sa quarterfinals ng Chooks to Go-5th Philippine Superliga (PSL) Grand Prix 2017 upang umentra na agad sa semifinals.

Makakasabunutan ng Cargo Movers ang Irig­a City sa alas-4:15 ng hapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City habang katapat ng Blaze Spikers ang Generika-Ayala.

Nagkaroon ng three-way tie sa first pagkatapos ng eight-game elimination round sa event na mga suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

Parehong 7-1 ang karta ng F2 Logistics, Petron at defending champion Foton, subalit tinanghal na No. 1 ang Cargo Movers habang second seed ang Blaze Spikers.

Ayon kay Petron coach Shaq delos Santos, halos lumutang na ang laro ng kanyang mga bataan pero kailangan pa rin nilang maging handa dahil matikas din ang kalaban nilang Lifesa­vers.

“At this point, we can’t underestimate anybody. We still have to prepare and play our hearts out because anything can happen,” saad ni Delos Santos. “Things get tough from here. This is already the quarterfinals. One miss and you’re out. There’s no more room for errors. You have to give your best every set.”

Muling huhugot ng lakas ang Blaze Spikers kina American imports Lindsay Stalzer at Hillary Hurley.